Thursday, September 29, 2016

Awards

September 29, 2016 - ngayong araw binigyan ako ng award sa school. "Teachers' month" na kasi at paalis na rin ang aming principal. Actually hindi lang ako. Marami kaming binigyan ng award. At ang napunta sa akin ay "most promising teacher". Masaya ba ako? Partly oo. Pero hindi kasi ako sang ayon sa pagbibigay ng ganitong klaseng papuri. Maiinit kasi sa mata ng mga feeling kaaway yan. At pustahan tayo, isang taong isasampal sa akin yang titulo na yan. Halimbawa, "aga pumasok ni most promising" o di kaya "sipag talaga ni most promising". Diba nakakairita yung ganon. Sabi ko nga, sana kinamayan na lang ako at sinabihang "good job" para sa lahat ng magagandang bagay na nagawa ko . Ok na ako doon. Hindi na kailangang bigyan ng award. Masaya ako sa ginagawa ko kaya ginagawa ko sya hindi dahil pasasayahin kita kaya ginagawa ko sya. Gets nyo?? Im sure hindi.

Wednesday, September 28, 2016

Naglalaro lang ba tayo?

May nakapagsabi sa akin ngayong araw na sa trabaho namin, hindi mawawala ang taong manghihila sa iyo pa ibaba. At may mga tao daw na hindi deserving sa mga bagay na natatanggap nila. Totoo. Naniwala ako. Sa puntong ito ng buhay ko hindi ako nahihirapan sa mga batang tinuturuan ko, nahihirapan ako sa mga kaguro kong tinalo pa ang bata kung mag amok. Ginagawang playground ang paaralan. Ang laro nila delikado masyado. Nakakasira ng pagkatao. Pero kailangan mong lumaro. Kung hindi ka marunong kailangan mong lumayo. 'Yun lang ang pagpipilian mo. Mas pinili kong maglaro nung una, kasi akala ko kaya ko. Tumagal, lumayo na lang din ako. Kasi grabe ang laro. Garapalan. Hindi makatao. Hindi pantao. Nakakatakot pero kailangan mong gumawa, kumilos at pumorma. Dahil kung hindi, sisirain ka o lalamunin ka ng sistema.

Monday, September 19, 2016

"Magpasawalang Hanggan"

September 19, 2016 - Araw ng Lunes. Gate. pasok. nakasira kami ng Epson L220 kaya pinadala ko sa pinsan ko na gumagawa ng printer. Sa taong ito, ang printer ay kasing halaga na nang chalk at black board. Manila paper at pentel pen. Nagsimula ako sa pagharap sa trabaho. Alas dose pa ang klase ko pero alas nueve pa lang nasa eskwelahan na ako. bakit? trabaho. Hindi naman masyadong importante para sa buhay natin pero importante sa buhay ng mga nasa itaas. Wala kasi silang masyadong ginagawa kaya nag iimbento sila ng gagawin. Idadamay pa kami. Itigil na. Hindi naman mahalaga. May pa birthday sa room. bata ko. rich kid. ok lang naman sa akin para sumaya sila. tanong ng magulang . "Ilang po lahat ang dadalhin naming pagkain?" . Huminto ako saglit. nag- isip. Yung hindi sosobra para hindi ako magmukhang nangungurakot. at hindi kukulangin para hindi kami magmukhang madamot sa ibang kaguruan. "35 po." Oppss.. Mali. Kulang. Hinayaan ko na. Hindi ko na maalala kung bakit. pero may sinasabi ako at nauwi iyon sa ganito. "ngayon, bukas at..." Sikat na linya kasi iyon ni Mel Tiangco sa palabas niya sa channel 7. ang Magpakailanman. pero imbis na magpakailanman ang narinig ko. Isang malakas na "Magpasawalang Hanggan" ang narining ko. at natapos iyon sa salitang "Amen". Langya, ginawang dasal ang announcement ko.